RSS | Archive | Random | E-mail

About

Ako nga pala si pixel, isang 8 month old na german sheperd.

Links

Link
Link
Link

More Space for whatever

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Sed in eros. Pellentesque vitae mi. Phasellus lorem nisi...

Following

20 May 09

Simula noong umalis ako sa bahay ni paboritong tao. Pinilit ko siyang kalimutan. Masaya dito, marami kami dito. Lahat kami pare-parehong pinamigay ng mga paboritong tao namin. Dito ko nakilala si richard ang taong madalas humawak sa akin. Sa kanya ko madalas marinig ang mga katagang “Good girl!, No!, Sit!, Stay!, Drop!, Shake Hands! at The other one?”.

Nakakapagod din kasi kailangan sumunod ako kay richard kung hindi ay di ako makakapahinga at makakapaglaro. Kaya sumusunod na lang ako sa gusto nyang gawin.

Kakaiba nga eh, di ko maintindihan. Yung iba kong mga kasama dito, ginagawang tagahanap ng kung anong nawala nila. Yung iba pinapakagat sa braso ng isang tao. Ako naman wala akong ginawa kundi umupo, itaas ang paa at maglakad.

Posted: 8:42 AM
HEEL!, SIT!, DROP!, STAY, NO!, SHAKE HANDS!, THE OTHER ONE!
— mga utos
Posted: 8:36 AM

Pinamigay ako

Naalala ko last month, pinaliguan ako ng paborito kong tao. Nagulat din ako kung bakit bigla yata akong pinaliguan. Tapos noong bandang hapon, nakita ko si paboritong tao na may kasama na dalawang tao na di ko kilala. Nakita ko sila na nakatingin sa akin habang naguusap. Pagkatapos nun ay sinimulan na ni paboritong tao na ikabit sa leeg ko ang collar at leash. Pagkatapos ay isinakay nila ako sa isang puting sasakyan. Wala akong nagawa kundi kumahol ng kumahol. Unti-unting umandar ang sasakyan papalayo, natanaw ko si paboritong tao na nakatingin sa akin.

Yun na ba ang huli naming pagkikita? Pinamigay na ba ako ni paboritong tao? Mukhang ganoon na nga… *iyak

Posted: 8:24 AM

arf! arf!

*isip* Ako nga pala ay isang 8 month old na german sheperd. Ang tawag nila sa akin ay pixel Pinanganak ako sa silang cavite, doon ako tumira hanggang sa dumating ang paborito kong tao na si dwek. Simula noong isinikay nila ako sa kotse ay di ko na nakita ang nanay ko. *sigh* pero masaya naman ako dito sa bahay ng paborito kong tao.

Nakikita ko din minsan ang kapatid ko, kung tama ang pagkakadinig ko “molly” ang tawag nila sa kapatid ko. Masaya ako kahit paano nandyan ang kapatid ko. *wagayway buntot*

Sana makita ko sya bukas para makapaglaro kami… *sigh*

Themed by Hunson. Originally by Josh